Install this theme

“Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan…”

Bilang isang anak, hindi ako kailanman naging perpekto, mabait at masunurin sa nanay ko. Ewan ko ba. Halos lahat na yata ng pagpapasaway nagawa ko na at na-experience na siyempre ng nanay ko hehe! Sa katunayan nga ay lagi akong may palo ng sinturon noon (madalas ko namang maikwento sa programa ko ‘yan eh).

Minsan natatawa nalang ako habang naja-jahe kapag naaalala ko yung mga sandaling ‘yun. Hindi ko nga maisip ngayon na ganun pala ako kapasaway dati… wahahahahaha! wwwwooooohhhhh!!!! Katol paaaaa!!!

‘Wag ka ngang tumawa diyan at alam ko din namang ikaw din malamang ay dumaan sa stage na ‘yan. Oh baka nga hanggang ngayon ganyan parin eh. Magbago ka na nga oi! BAGO ka eh!

Mama’s boy ako dati. Yung tipong lahat ng galaw at desisyon ko ay kailangan pang manggaling sa nanay ko dahil siguro alam kong kung ano ang sasabihin niya ay siyang makabubuti sa’kin. Pero hindi ko malilimutan yung pagkakataong sinabi niya sa’kin na “Nak, lagi nalang bang ako ang tatanungin mo? Malaki ka na. Kailangan matuto ka nang magdesisyon para sa sarili mo.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay napahinto ako’t napaisip. Tapos… Kumain. Kakagutom eh ahaha!

Siguro noon ay kampante akong lagi siyang nandiyan. At dahil nanay ko siya ay hindi niya gugustuhing mapahamak ako kaya gusto ko na sa kanya manggaling ang approval ng lahat ng gagawin ko pati na siguro ang pagfa-flush ng inidoro pagtapos kong tumae. Lahat nga eh haha! At yung idea na lagi naman siyang nandiyan parati, ‘yan din siguro yung dahilan kung bakit naging ako naging pasaway. Yung idea na… Hindi siya mapapalayo sa’kin. Yung idea na… Mami-miss ko pala siya balang-araw.

 

Ngayon ay malaki na’ko (masyado na ngang malaki eh haha!). At ngayon ay magkalayo narin kami ng nanay ko at aaminin kong nami-miss ko na siya. Pero gayun paman ay masaya narin ako dahil magkasama naman sila ng tatay ko sa ibang bansa.

Sa totoo lang, hindi ako ‘yung tipo ng anak na palagiang nagsasabi ng “I love you” sa magulang dahil parang ang corny kasi haha! Pero tingin ko’y ‘di pa naman sobrang late para gawin ito.

 

Ma, andami ko nang bagay na nami-miss at gustong maulit sana. Mga tipong paglilinis mo ng tenga ko gamit ang maliit na kutsarang pangtutuli habang nakapatong ang ulo ko sa hita mo. At yung pagsama mo sa’kin sa halos lahat na ata ng radio station sa kamaynilaan bilang pagsuporta sa pangarap ko. At saka yung… Ay nako basta! Madami pa! Kapagod magtype dito eh.
Basta ma maraming salamat. Alam mo hindi ko na siugro kaya pang isa-isahin ang mga bagay na dapat at gusto kong ipagpasalamat sa sobrang dami. At alam ko naman na kahit anung gawin ko ay ‘di ko naman matutumbasan sa pamamagitan nito o kahit na anung salita ang bigkasin ko ang lahat ng sakripisyo’t pagmamahal mo bilang isang ina sa akin at sa aming lahat. Pero gusto ko lang sanang malaman mo na kahit na napakadrama nito (‘wag na kayong mangialam diyan!) ay hinding-hindi ko malilimutan ang bawat pangaral na tinuro mo simula nang bata pa ako. Lahat ng ito’y dadalhin ko hanggang sa magkaroon at makabuo narin ako ng sariling pamilya. Ang drama shet! wahaha! Pero OK lang ‘yan. Mahal kita eh… Aaaayyyiiieee….!!! Magpapadala na ‘yan ng pera! ahahahaha!

Gusto ko lang naman sanang bumati talaga ng HAPPY MOTHER’S DAY sa kakaibang paraang kaya ko. Sana nagustuhan mo dahil nakakahiya naman sa’kin noh… wahahaha!

Sa lahat ng mga nanay diyan, MALIGAYANG ARAW NG MGA INA! Sa mga anak naman diyan, ibati mo nalang din ako sa INA MO! Pwede ba ‘yun? Salamats!

-Isipang Magaslaw

Paguusapan ka ng maraming tao dahil sa maganda at kapuri-puring bagay na ginawa mo o di naman kaya’y sa kabastusan at kawalang respetong ipinakita mo.
Isipang Magaslaw
Ang katuparan ay may pinanggalingan. Simulan mo sa isang pangarap.
Isipang Magaslaw
Dati

Pssst!
-Sshhh….!!!

May sasabihin ako, importante.
-Weh? Wala na’kong panahon eh.

Huh? Wala na? Eh bakit naman?
-Kinuha nang lahat.

Nino??
-Ng…

Ng ano???
-Ng akala kong lahat.

Eh anu ba yu..
-Dati.

Ngiti ka lang at lahat ng bagay ay ngingiting pabalik sa’yo
Isipang Magaslaw
Walang perpektong tao sa mundo. Ipokrito meron. Madami…
Isipang Magaslaw
It’s somehow fascinating that when the rain pours, nostalgia strikes
Isipang Magaslaw
Kaysa mapasama ka lang, intindihin mo nalang na walang dahilan para ipagpilitan mo ang baluktot mong dahilan
Isipang Magaslaw
When you are being pushed to the edge, you’ll learn how to adjust. It’s an automatic response.
Isipang Magaslaw
Ang masidhing naising muling magtagpo ay masasalamin sa muling pagtatagpo, matapos ang mabigat na pamamaalam.
Isipang Magaslaw
Isang Malaking KABAGUHAN! BAGO KA! BAGO!!!

Ang kapalaran ng tao ay hindi mababago ng pagtatapos ng taon at pagpapalit nito. Maaring nakasalalay ito sa pagbabago ng kaparaanan ng pamumuhay mo.

May this year bring (more) success to each and everyone of us. From my family to yours, nais kong bumati ng isang MALIGAYANG BAGONG TAON sa’yong BAGO ka!

- Isipang Magaslaw

Mayroong kalayaan. Walang ganap na kalayaan…
Isipang magaslaw
Kung iisipin, lilipas ang isang taon na halos di napansin. Subukan mong suriin, andami narin palang nangyari sa buhay natin.
Isipang Magaslaw
Hindi pwedeng mag-adjust ang buong mundo para sa’yo. Kung gusto mo ng respeto, ipakita mong karapat-dapat ka para dito.
Isipang Magaslaw
Tama ngang mag-isip ng kung anong magpapasaya sa’yo. Pero mas tama kung iisipin mo ang mas makabubuti, hindi lamang para sa’yo, kundi pati narin sa mga taong nakapaligid sa’yo.
Isipang Magaslaw